HINDI NAIS NI ALLAH ANG KAWALAN NG HUSTISYA PARA SA TAO, KABUTIHAN ANG TANGING NAIS NIYA PARA SA MGA ITO KAYA'T ANG MAHDI AY HINDI PARA PADANAKIN ANG DUGO.
ucgen

HINDI NAIS NI ALLAH ANG KAWALAN NG HUSTISYA PARA SA TAO, KABUTIHAN ANG TANGING NAIS NIYA PARA SA MGA ITO KAYA'T ANG MAHDI AY HINDI PARA PADANAKIN ANG DUGO.

2482

ADNAN OKTAR: Sige Oktar, ipagpatuloy mo.

OKTAR BABUNA: Astagfirullah, Aking Guro.

ADNAN OKTAR: Ito ay magnifico - “Kami ay magpipilit na bumisita sa Azerbaijan dala lamang ang aming mga ID cards.” Lahat ay dapat itong ipagpilitan; sinasabi ko ito sa lahat ng nagmamahal sa akin, sa lahat ng ating mga kapatid, at para sa lahat; atin ito mabilisang bigyang kalutasan. Ano nga ba ang kahulugan ng ‘pagpasok dala ang pasaporte papasok ng Azerbaijan?’ Ako ay papasok ng Azerbaijan at magpapakita ng pasaporte sa gate. Hindi ito kapani-paniwala. Nagpapakita ba ako ng pasaporte kapag ako ay bumibiyahe sa Konya? Ang ating relihiyon ay iisa, ang ating lengguwahe ay iisa, at magkakapareho tayo sa lahat ng bagay. Papaano mo kami pagagamitin ng pasaporte? Papaano ito magiging katanggap-tanggap? Dapat alisin ito agad-agad. Lahat ay dapat ipilit ito, ipipilit naming lahat ito  insha’Allah.
 “Ikaw ang siyang  mamumuno sa mundo ng Islam;” ang pangalawa sa hanay ng Al Qaida na si Al Zawahiri “ay tumukoy sa bansang Tukey bilang siya nang lider ng mundong Islamiko.” Kita ninyo na, kahit na sila ay nauunawaan na ang Hazrat Mahdi (as) ay dumating na. Tama?
Subali’t, sadyang iba lang ang kanilang pamamaraan. Ang Hazrat Mahdi (as) ay hindi para padanakin ang dugo. Winika ng ating Propeta (saas) ang mga ito, “Hindi siya magpapadanak ng ni isang patak na dugo” at ng “ni isang ilong ay hindi paduduguin;” sinabi niya na ang Mahdi ay “hindi para manggising sa nahihimbing.” Pagmamalasakit, lambing ng pagmamahal, awa, pag-ibig at katwiran ay ang mga katangian ng Mahdi. Kailan lamang, napakinggan ko ang pananalita ng isang muhong na sarado ang pag-iisip, nagpatungkol siya sa paglalarawang ito ng Mahdi at nagsabi na “papaano magkakaroon ng ganitong mga katangian ang Mahdi?” Ikaw na baluktot ang pananaw, ito ay karakter ni Allah. Ikaw na taong makitid ang isipan, ito ang siyang nais ni Allah. Hindi gusto ni Allah ang pagpapahirap. Ayaw ni Allah na dumanak ang dugo. Hangad ni Allah ay kabutihan para sa lahat.  May isang ayat sa Banal na Qur’an, sinabi ni Allah, “Ano ang paggagamitan ni Allah sa iyong ginagawang pagpapahirap?” Sinabi Niya na bakit ka dudulutan ng pasakit ni Allah. Mayroong ayat na nasa kontekstong ito. Tama? Ang muhong na iyong ay sadyang nais ang dugo kagya’t nagpipilit ng pagkakaroon ng pagdank nito.  Ang sabi ng ating Propeta ay ito, “Hindi siya magpapadanak ni isang patak na dugo.” At ang isang ito ay nagsasabi na, “hindi, gusto ko ng dugo!” Ang ating Propeta (saas) ay nagsabi na “hindi siya magpapadanak ng ni isang patak na dugo”.. ni isang “patak”.. pakinggan maigi nagbigay pa siya ng detalye sa pagsasabi ng “patak.” Sinabi niya na “Aalisin niya ang lahat ng sandata.” Walang gagamiting sandata o dugo man sa panahon ng Hazrat Madi (as). Naghanda sila ng digmaaang nukleyar laban sa Iran subali’t sa kagustuhan na rin ni Allah, ito ay ating napigilan.

OKTAR BABUNA: Opo, Aking Guro, kayo po ay naging instrumento upang mapigilan nga ito.

ADNAN OKTAR: Aming itong napigilan sa pamamagitan ng aming mga pagpupulong, lihim man o hayag. Nagkaroon din kami ng mga pribadong pagpupulong, nakipag-usap kami sa mga Israeli, sa mga rabbi ng Sanhendrin. Kami ay mga nakapag-usap at nakumbinsi namin sila. Nakipag-usap rin kami sa mga Amerikanong Ebangheliko, ipinaliwanag namin sa kanila ang tunay na anti-Christ – ang Darwinismo at materyalismo. Binigyan namin sila ng babala na tutungo lamang sila sa maling direksiyon at sila’y aming napahinuhod. Nakumbinsi rin namin si Obama. Kundi’y nakaalis sila mula sa Turkey na puno na ng dugo ang kanilang mga kamay. Gagawin nila ito sa mundo at sa Iran lalo na. Nag-isip na sila na magpadala’t magpasabog na ng mga bombang nukleyar sa Teheran, ito ay aming napigilan sa kagustuahan na rin ni Allah inshaAllah. Kundi’y, napalungi rin nila si Ahmedinejad na dati’y wika ang “aming lilipulin ang Israel.” Dating niyang sinasabi ang mga katagang “aming tatanggalin sa mapa ang Israel” bunga ng panlilinlang sa kanya ng mga nagpaplano na mga Anti-Christ. Amin siyang binigyang babala at sinabihan ng “ano ang iyong ginagawa?” Sinabi namin sa kanya na ang Mahdi (as) ay hindi para magpadanak ng dugo, ni hindi gigising sa taong nahihimbing; sinabi namin na “nagkakamali ka, itama mo ang iyong mga pananalita.” At sa harap ng pangmundong press, nagbigay siya ng pahayag at nagsabi na: “Ang aking mga nasabi ay hindi lubos na naunawaan; hindi kami nagpaplano ng anuman laban sa Israel. Ang hinihintay na Mahdi (as) ay hindi para magpadanak ng dugo, ni isang ilong ay hindi paduduguin, siya ay magdadala ng kapayapaan, pag-ibig at kapatiran sa daigdig.” Mayroon video record dito, atin ito i-play. Binago na niya ang lahat ng paraan ng kanyang pananalita. Kahit na ang mga rabbi ay nagtanong ng “mapapaniwalaan ba naming siya, posible kaya na pakana lang ito at isa lang niyang panlilinlang?” At sinagot namin sila ng: “hindi, hindi siya nanlilinlang, ito ang ating destinasyon.” Sinabi ko sa kanila na ito ang ating destinasyon at ito ang ipinag-uutos ni Allah; na ito ang gagawin ng Hazrat Mahdi (as). At akin silang nakumbinsi, inshaAllah.

OKTAR BABUNA: Higit pa riyan naghayag kayo ng panibago sa kanya at na kanya namang inulit kada salita. Sinabi ninyo dati na ang bombang atomiko ay mahigpit na ipinagbabawal ng Islam at walang Muslim ang gagawa ng bagay na ito; inulit niya ang eksaktong mga pananalita ninyo at sinabing “Ang bombang atomiko ay mahigpit na ipinagbabawal sa Islam.”

ADNAN OKTAR: Sinabihan ko siya na ulitin ito ng maraming beses at kanya namang inulit ito na maraming beses nga. Siyempre, may mga rabbi na Sanhendrin dito; tinanong nila ako kung mapagkakatiwalaan nga ba ang mga salitang ito mula sa kanya. Sinabi ko sa kanila na mapagkakatiwalaan nila ako kung hindi nila kayang pagtiwalaan ito. At sila ay sumang-ayon, nagwika na “ikaw ay aming pinagkakatiwalaan” at sinabi ko sa kanila na “kung gayon wala ng dapat pang ipag-alala” inshaAllah.

OKTAR BABUNA: Gayundin, ang mga politikong Israeli ay dumating din kasama ang mga representante ng mga relihiyon at mga rabbi ng Sanhendrin; at ito ay sinabi ninyo sa pagpupulong.

ADNAN OKTAR:  Hindi namin hahayaan ang sinuman na guluhin ang Israel gaya ng hindi rin naman naming hahayaan ang sinuman na guluhin ang Iran o Iraq. Hindi namin hahayaan ang pagdanak ng dugo sa mundo inshaAllah. Kami ang mga matibay na bantay ng Hazrat Mahdi (as), ako ay disipulo ng Hazrat Mahdi (as), ako ay alipin tunay ng Hazrat Mahdi (as). Wala akong ibang naisin man. Ito ang sadyang kalalagayan inshaAllah, ito ay maliwanag na nakikita, ang ibig kong sabihin ay, ang aming mga kilos ay patungo sa ganoong direksyon inshaAllah.

OKTAR BABUNA: Masha'Allah Aking Guro. Nawa’y mapasainyo ang pagpapala ni Allah.


 


IBAHAGI
logo
logo
logo
logo
logo